Travels: Found My Real Home
Ako si Joanna Mae Gonzales Atienza. Ipinanganak noong Setyembre 8, 1995 sa Commonwealth of Northern Marianas Island, Saipan. Ang aking mga magulang ay sina Juan Aguilar Atienza Jr. at Edna Gonzales Atienza. Ang aking daddy ay isang dating OFW sa Dammam Saudi Arabia, ngunit ngayon siya ay isang tricycle driver at konsehal sa aming barangay. Ang aking mama naman ay dati ding OFW sa Saudi at ang kanyang kasalukuyang trabaho ay ang pagiging mananahi. Kami ay dalawa lamang na magkapatid at ako ang panganay. Ang pangalan ng kapatid ko ay Jan Christian Atienza, tatlong taong gulang. Malaki man ang agwat ng aming ngunit magkagayun pa man ay malapit parin kami sa isa't isa.
Hindi ako lumaki sa aking mga magulang. Ang nag-alaga sa akin ay ang aking tita at tito, kaya ang tawag ko sa kanila ay inay at itay. Hindi man gusto ng aking mga magulang na ipaalaga ako sa iba, pero kailangan lang talaga dahil pareho silang nagtatrabaho sa Manila. Naging malapit ang loob ko kina inay at itay. Kung ituring nila ako ay parang isang tunay na anak. Naging malapit rin ako sa pinsan ko na malapit lang doon ang bahay. Si itay ay sobrang malapit ang loob sa akin. Lagi kaming magkasama at sa tuwing umiiyak ako alam na alam niya kung ano ang gagawin. Dadalhin niya ako sa Jollibee at ibibili ako ng mga laruan. Si inay naman ang laging nagpapatulog sa akin tuwing gabi, dahil mahirap akong makatulog dati. Lagi niya akong pinaiinom ng gatas para makatulog ako agad.
Ngunit nang dumating na ang araw na kailangan na akong kunin ng aking mga magulang. Ang bahay na dati ay puno ng kasiyahan at tawanan ay bilang nabalot ng kalungkutan. Kahit bata pa ako noon, alam ko na masakit para kina inay at itay na mawala ako sa kanila. At mahirap din naman para kina mama at daddy na kunin ako sa mga taong nagpalaki at napalapit na sa loob ko. Pero kahit na mawalay man ako sa kanila , lagi kong dadalhin ang masasayang alaala na kasama sila at ang pagmamahal nila sa akin.
Nang sunduin ako nila mama at daddy kina inay at itay, hindi ko alam kung saan kami pupunta noon. Sobrang lungkot ko pa noon dahil sa biglaang pagkuha nila sa akin. Pupunta pala kami sa Iloilorara doon tumira. Noong una nahirapan talaga akong makibagay sa mga tao doon, syempre unang-una hindi naman ako doon lumaki at hindi ako sanay doon. Una kaming tumira sa bahay ng lolo at lola ko. Nagtayo ng isang maliit negosyo ang mga magulang ko, ang negosyo nila ay ang pagtitindi ng mga dry goods. at nung lumaki na ang negosyo namin nagtayo naman sila ng isang Foodstand. Nakabili rin kami ng sarili naming motor. Ang Foodstand namin ay pinangalanang " Pizza Mae". Naging maunlad ang negosyo ng pamilya namin, kayat nag pagawa na kami ng sariling bahay.
Doon na rin ako nag-aral sa Iloilo. Doon ako nagkinder hanggang Grade II. Nag-aral ako sa isang private adventist school ang pangalan ng school na pinasukan ko ay Lagasca Memorial Seventh Day Adventist School. Marami akong mga naging kaibigan doon at doon ko rin nakilala ang mga naging matatalik kong kaibigan. Sila ay sina Denpearl, Vanessa at Nerissa. Marami kaming mga bagay na ginagawa pag kami ay magkakasamang apat. Lagi kaming naglalaro. nagseshare ng baon at nagkukwentuhan. Nagsasabihan din kami ng mga secrets namin. Naalala ko pa nga nung malaman ni Denpearl na crush ko yung pinsan nya. Wala atang araw na hindi niya ako niloloko sa pinsan nya. Naging close din kami nung crush ko, siya nga pala si Rexandro, pero ang tawag ko sa kanya ay "Pipoy". Lagi din kaming magkapartner sa mga programs, tulad ng sayaw, sa mga role play at lagi ko rin siyang escort. Mas naging close kami sa isa't isa. Sobrang saya ko nga noong 7th birthday ko kasi nandoon sya kahit na may lagnat pa siya noon at special pa yung gift nya sa akin ( secret ko nalang kung ano yun! ). Ang mga naging kaibigan ko noon ay isa lamang sa mga taong talaga pinahahalagahan at itinetreasure ko nang sobra.
Hindi lang good friends ang mga achieve ko habang nag-aaral ko. Maganda rin ang performance ko sa pag-aaral, consistent honor student ako. Noong graduation ko nung kinder, ako ang first honor at every recognition ako din ang first honor at nakakatanggap din ako ng mga special awards. May isa akong achievement na talagang hinding-hindi ko makakalimutan. Noong kumuha kami nang Achievement Test para sa buong Iloilo, ako ang nakakuha ng pinakamataas na grade, 95% ako sa over all. Sobrang proud sa akin ang parents ko, teachers at ang mga schoolmates ko. At hindi lang ako hanggang sa academic, noong bata pa ako sumasali na ako sa mga beauty contest. Hindi naman ako umuuwing luhaan, may sinalihan ako na ako ang panalo. Ang saya nun kasi yun ang first time ko na sumali sa isang beauty contest. Doon nga sa Question and Answer Portion inaway ko pa yung nagtatanong ang kulit kasi! Marami akong na achieve na bagay bata pa lang ako. Kaya maaga ko ring matutunan kung paano pahalagahan ang mga awards at karangalan.
Muli naranasan ko ang mag-iwan ng mga taong napalapit na sa akin. Dito ko mas higit na naunawan ang sakit na pakiramdam nang mag-iwan na hindi mo gusto. Sobrang sakit pala na magpaalam sa mga mahal mong kaibigan, sa mga taong sobrang halaga sayo at sa mga taong higit na sa kaibigan ang turing mo. Alam ko noon na mamimiss ko ang lahat ng mga alaala ko sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan na ako lumaki at ang lugar na naranasan ko ang maraming mga bagay. Bukod sa mga tao doon isa sa pinakamamimiss ko ay yung lugar na paborir\to kong puntahan, ang dagat. Dumating na nga ang araw nang aking paglisan . Ang araw na niminsan hindi ko hinintay. Hindi ko magawang bumitiw sa mahigpit na pagkakahakaw ng mga kaibigan ko sa aking mga kamay. Damang-dama ko na ayaw nila akong umalis at sila ay aking iwan. Nang ako ay kanilang bitiwan nilapitan ko ang isang taong mahalaga sa akin na nakaupo sa isang tabi. Hinawakan niya ang kamay ko at sinabi, "Masaya ako na nakilala kita, mahalaga ka sa akin, hihintayin ko ang muli mong pagbabalik". Tanging luha ko na lang ang naisagot ko sa kanyang mga sinabi. At tuluyan na akong umalis na may mga luha sa mata.
Bago na naman lugar, bagong mga tao at bagong pakikisama. Dito na yun. Dito sa San Joaquin, San Pablo City. Noong unang araw ko sa San Joaquin wala man lamang akong kakilala, kaibigan, natatakot akong lumabas dahil wala namang papansin sa akin, wala akong makalaro at feeling ko out of place ako dun. Lagi lang akong nakasilip sa bintana at pinanunuod ang mga bata masasayang naglalaro at ako ay inggit na inggit sa kanila. Nagulat nga ako eh kasi bigla akong niyaya ng mga bata na makipaglaro sa kanila. Tapos sabi ng tita ko mga pinsan ko daw yung mga yun. Sila na ang mga naging kaibigan ko at bestcousins ko. Sila ay sina Ate Kathy, Ate Arleen at Ate Karen. Ako ang pinakabata sa aming apat. Simula noon lagi na kaming magkakasama, magkakalaro at magkakakwentuhan. Sila na ang mga bago kong kaibigan, pero syempre hindi ko parin makakalimutan ang mga kaibigan ko sa Iloilo.
FIRST DAY OF SCHOOL!!! ALL NEW!!!
New school, new teachers and new schoolmates. Maraming bago, pero hindi ko alam kung yung mga bagong yun magugustuhan ako. Isang bagong estudyante na ngayon lang nila nakita. Nang itapak ko ang mga paa ko sa classroom sobrang kaba ko noon. Umupo ako sa isang tabi, walang pumapansin, walang kumakausap at walang kakilala. At hanggang may isang batang babae ang kumausap at nagtanong ng pangalan ko, siya ay si Krizshelle. Mabait siya, maganda at matalino. Siya ang una kong naging kaibigan noon, ipinakilala din niya ako sa mga kaibigan niya. Dumating at pumasok ang adviser namin,tumahimik ang lahat, sabi nila bago daw yung teacher namin. Iba ang tjinding, ibang mukha, ibang guro. Hindi lang pala ako ang bago pati na rin ang adviser namin ay bago din.
ELEMENTARY DAYS!!!!!
Sabi ng maraming tao dapat da e-enjoy na namin ang elementary days namin, kaya yun ang ginawa ko. Masaya ang mga experiences ko noong elementary. Noong elementary rin ako natutong tumaggap nag pagkatalo. Sa masasayang experiences ko ay kapag may role playing kami, ang pinakapaborito ko nga ay yung Cinderella. Dahil ako ang gumanap na Cinderella noon. Sobrang saya nun, kahit laging pagod.
Contests!!!!
Dito talagang pumasok ang totoong kompetisyon. Ang unang beses na lumaban ako noong GradeIII, Science Quiz Bee. That was the first time na natalo ako. Sobrang lungkot ko noon, sabi ko hinding-hindi na ako lalaban sa mga contest. Pero na bago yun nang muli akong pinalaban sa English Quiz Bee, District Level yun. Ako ang nanalo, yun ang dahilan kung bakit bumalik ulit ang tiwala ko sa sarili ko. Narealize ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ay talo o panalo. Ang mahalaga dapat marunong kang tumanggap ng magiging resulta nito.
Noong elementary din ako umalis ulit ang parents ko. Nang punta sila sa abroad para doon magtrabaho. Alam ko naman na para sa akin din yun pero kung ako lang ang papipiliin mas gusto ko na dito lang sila. Naiwan ako sa pangangalaga na tito at tita ko. Naging mabait naman sila sa akin at hindi nila ako pinapabayaan. Maging mas malapit ako sa mga pinsan ko at unti-unti ko ng natatanggap na wala ang mga magulang ko. Pero may mga araw na talgang namimiss ko sila, kapag birthday ko, pasko at bagong taon naaalala ko sila. Pagkalipas ng dalawang taon, dumating narin sila mama at daddy, sobrang saya ko noon dahil dumating na sila. Tapos sinabi sa akin ni daddy na magkakaroon na ako ng kapatid, noong una hindi ko yun matannggap. Pero nung ipinanganak na si Jan-jan nakita ko kung gaano kasaya ang mga magulang ko. Alam ko na magiging masaya ang pamilya namin sa pagdating ng isang anghel.
IT'S MY GRADUATION DAY!!!!!
Yes, gagraduate na ako ng elemtary. Ang saya-saya ko dahil magtatapos na ako. Ako ang class valedictorian sobrang proud sa akin ang mga magulang ko sa achievement kong yun. Pero sa likod ng kasiyahan ay may kalungkutan parin kasi magkakahiwa-hiwalay na kami. Dahil iba-iba naman kami nagpapasukan school sa high school eh. Ngunit hindi yun hadlang upang maputol ang aming pagkakaibigan. Sabi sa Valedictiry address ko " When you graduated in elementary, it is not the end, but it is just the being of a new journey".
FIRST DAY HIGH!!!( High School Life sa Dizon )
It's my first day for being high school student. HIndi ko inaasahang ang daming tao, naghahanap ng kanilang mga pangalan kung saang section sila at may humahabol pa para magpa-enroll. At ito rin ang first time ko na maranasan na kumuha ng test sa unang araw sa school. Kumuha kami ng test para maging Science section. Sabi ko sa sarili ko hndi ako papasa dun. Hanggang kinabukasan..............tinawag ang pangalan ko, isa ako sa mga nakapasa sa test at magiging Science ako. Pero may takot ako kung paano ako makikisama sa mga taong alam ko lahat matatalino.
" SCIENCE" ( our section, my section )
Maraming mga bagay na nangyari sa simula noong pasukan. Maraming mga bagay nasumubok sa aming katatagan at doon ko na kilala ang mga tunay kong kaibigan. Ang mga kaibigan ko na laging nandyan para sa akin, suportahan ko at gabayan palagi. Lahat naman ng mga kaklase ko ay kaibigan ko pero sila ang bukod tangi sa lahat. Sila ay sina Marian, Sam, Lykka, Ethel, Kim. Khryss at Justine. Sila talaga yun, ang may alam kung sino talaga ako. Pero syempre hindi masaya kung kami-kami lang diba kaya dapat buong science. Kaya lagi kaming may mga happy moments together. Ngayon nasa gitna pa lamang ako ng aking talambuhay. Pero masasabi ko na sa hinaba-haba ng paglalakbay ko dito lang pala ako dadalhin sa isang maliit na classroom sa Dizon High, ang III- Science. Which my heart really belong. Sa ngayon dito na muna magtatapos ang mahaba kong paglalakbay!!!!
THE END
noisy sassy mayhe
chronicles from the talkative Joanna Mae Atienza, III-Science
Saturday, February 26, 2011
Saturday, February 12, 2011
History of blogs name
Noisy sassy mayhe! That’s my blogs name. But how do I come up with that particular name. Let’s find out why?
Mr. Lacsam told us that make a blogs name that describe our personality. I chose noisy because many of my classmates or I should say all of classmates say that I am the most talkative and noisy in our section. Yes, I admit it that I’m the most talkative because I keep on talking, talking and talking all the time…..I keep on cheat chatting with my seatmates and with my friends specially in break time and vacant period. But why did I chose noisy instead of using talkative and come up with a blogs name “talkative sassymayhe…. I prefer to use noisy because I do not talk in a soft moderate voice but I speak with a highly tone and loud voice. And when I started to tell a story or to talk everyone knows that I’m starting in talking because they knew my voice.
Sassy? Sassy is a word that also describes my personality. Because sassy means girly, playful and quiet bubbly. I am a kind of girl that really like girly stuff and girly looks.
I am one of kind playful teenager that like everything nice and playful…. I also love to playandspend my time with my friendsand cousins.
Why mayhe, not Joanna? Mahye because my real my is Joanna Mae Atienza . But my cousins called me mae-mae. And one time, one of my younger cousin called me “ate mae..yeh! And all of us laugh because he called me that way. And all the time he saw me he called me that way. And eventually other of my cousins called me mayhe…
And that‘s the history of my blogs name which really describes me.
“noisy sassy mayhe.”
Thursday, February 10, 2011
Futuristic Story
Si Kenjo ay nasa ikatlong antas at nabibilang siya sa pinakamataas na section sa kanilang paaralan. Siya ay matalino at lagi nakakatanggap ng mga parangal. Hindi lang siya matalino, siya rin ay gwapo at maraming mga babae ang kakagusto sa kanya.
Si Jhaycee naman ay ang matalik na kaibigan ni Kenjo mula pagkabata. Si Jhaycee rin ay may angking kagwapuhan tulad ni Kenjo kaya’t marami ring mga babae ang nagkakagusto sa kanya ngunit hindi niya ito pinapansin dahil may lihim siyang pagtingin sa kababata na si Jessa. At hindi rin siya babaero tulad na kanyang kaibagan na si Kenjo.
Si Louxy naman ay ang pinakababaero sa kanilang apat at natalo pa si Kenjo sa dami ng nililigawan para sa kanya “just enjoy your high school life”. Ngunit may kinakakatakutan rin si Louxy , ito ay ang matalik niyang kaibigan na si Aiky na matagal ng may lihim na pagtingin sa kaibigan.
At ang huli sa lath ay si Chad . Si Chad ang pinaka athletic sa kanilang grupo. Magaling siya sa pagtakbo at laging na nanalo sa mga kompitesyon at ang pinakamagaling na mananakbo sa kanilang paaralan. Tahimik lang si Chad ngunit pagnakilala mo nang lubusan ay malalaman mo ang tunay na siya.
Ngunit may isang bagay na pinagkakasudunan ng apat na ito. Ito ay ang paglalaro na mga computer games. Kung minsan pa nga ay lihim silang nagpupunta sa computer ng paaralan pang doon maglaro.
Isang araw habang naglalakad ang apat sa malaki at malawak na oval ay nagtanong si Jhaycee ng ganito
“ Paano kung maging totoo ang mga character sa computer at lumabas sila doon?"
" Ano ka ba Jhaycee malabong mangyari yan nuh!", sagot ni Kenjo.
" Ano ba namang malay mo, kung mangyri nga iyon"
" Tumigil ka na nga Jhaycee, gutom lang yan", wika naman ni Chad.
" Oo nga, tayo nalang kumain", sabat naman ni Louyx.
Pumunta ang magkakaibigan sa canteen at doon sila kumain. Matapos kumain ay nagtungo na sila sa kani-kanilang klase.
Tumunog na ang bell, ang tangi tunog na hinihintay ng apat na magkakaibagan. Matapos ang klase ay nagpunta na sila sa computer shop at naglaro na naglaro. Gabi na nang sila ay makauwi. Tulafd ng dati ay napagalitan ng kanilang mga nanay dahil nga gabi na sila kung umuwi.
" Hay naku Kenjo gabi ka naman umuwi ka, samantalang si Mae-ann ay kanina pang nasa bahay nila, di ba't magkaklase naman kayo?"
" Oo nga po, pero hindi naman kami close nun eh", sagot ni Kenjo.
" Mula pa noong mga bata pa kayo ay magkaklase na kayo, pero hindi parin kayo close?"
" Opo at hindi ko siya gusto dahil siya ay weird."
" Baka naman kasi may gusto ka sa kanya, anak."
" Nay hindi po iyon mangyayari, kahit kailan."
" Ikaw ang bahala anak wag lang dumating ang araw na hahabulin mo siya."
" Hinding-hindi po iyon mangyayari nanay."
Samantalang sa bahay naman nila Jhaycee........
" Anak kumain ka na ba? Bakit ata gabi ka na naman?"
" Pasensya na po inay, may ginawa lang po kami", tugon ni Jhaycee.
" Ano na naman iyong ginawa ninyo, ang magcomputer anak?"
" Inay naman."
" Aba anak malapit na pala ang inyong JS Prom, di ba't sa sabado na iyon?"
" Opo inay.'
" Anak may kadate ka na ba?"
" Inay wala po at ayaw ko po ng ganyan. Hindi ko pong gustong magkagirlfriend."
" Baka naman kasi may gusto ka kay Jessa?"
" Inay maganda nga po si Jessa, pero po.......... Sige po matutulog na o ako inay."
" Sige anak magpahinga ka na."
KINABUKASAN........
" Hay naku, si nanay talaga pinipilatin parin na may gusto ako kay Mae-ann", sabi ni Kenjo.
" Eh baka naman kasi gusto mo talaga na siya", Pabirong sagot ni Louyx.
" Hinding-hindi nuh, hindi ko siya magugustuhan." sagot ni Kenjo.
Hindi nila alam na nasa likod lang nila si Mae-ann at narinig lahat ng kanilang pinag-uusapan. Umalis na lang nang tahimk si Mae-ann, ngunit bakas sa kanyang mga mata ang lungkot.
" Lagot ka Kenjo mukang nagalit sayo si Mae-ann", sabi ni Chad.
" Hayaan mo na yun nagpapapansin lang yun sa akin."
" Masyadong inyong pinoproblema ang mga ganyan tara na lang magcomputer", anyaya ni Jhaycee.
" Sige tara", tugon ng tatlo.
Napansin nila na bukas ang computer room at tulad na dati ay lihim silang pumasok sa computer room at naglaro. Hindi nila na malayan ang oras, gabi ng sila ay matapos. Napansin na lamang nila na nakasarado na ang computer at nakulong sila sa loob.
" Paano tayo makakalabas dito", tanong ni Chad na halatang natatakot.
" Aba hindi ko din alam kung paano", tugon ni Louyx.
" Hoy Jhaycee patayin mo na nga iyan", sigaw na Kenjo.
" Mamaya, malapit na akong matapos dito", sagot ni Jhaycee.
Bilang namatay lahat ng ilaw sa loob ng compuer room at may sumabong na isangcomputer. Muling nagbukas ang ilaw at may nakita silang iba.......
" Sino kayo? Sino kayo?, nanginginig na tanong ni Kenjo.
" Baka naman na mamalik mata lang tayo Kenjo", sagot ni Jhaycee.
" Oo nga, hindi sila totoo", sabi ni Louyx.
" Hindi, totoo sila, ano ba kayo?", tugon ni Chad.
" Totoo kami", wika ng isang tinig.
" Nabuhay ang mga tauhan sa computer games?", sabi ni Kenjo.
" Oo Buhay kami", sagot ng tinig.
" Ngunit, ngunit paano nangyari iyon", tanong ni Chad.
" Totoo kami, hindi kayo namamalik mata o kaya naman ay nananaginip lamang. Dahil sa inyo kaya kami ay nandito masyado kayong abusado sa paggamit ng computer, tugon ng isang tinig.
Ipinakita ng tinig ang lahat ng mga bagay na nagiging epekto ng paggamit ng computer. nalaman nila ang mga masasamang epekto ito sa kanila. Simula noon ay iniwasan na nila ang paggamit ng computer upang malayo sa masama.

Wednesday, February 9, 2011
I am a Responsible Netizen
Now a day, many people are using internet for communication, researching, online shopping and even in pleasure. Internet is very useful to us because it help us in many ways. In communication, we can chat with our relatives that are far apart from us and the latest way is the webcam which you can see your relatives faces with the help of the camera. In researching, many students find it hard in doing their assignments and project but because of internet it is easy for them to find the answers. And even in shopping and pleasure internet is very useful. Because not all people can go shopping because of their busy schedules. But with the help of internet they can shop even though they are at home or at the office.
But why there are some people abuses in using internet? They do not think the bad effects of what they are doing. The best example is the prostitution of the children with the use of internet. They use internet for their own seek and badly in that case there are minor that are involve.
But me as a student I wouldn’t do such things because I know the bad effects that would happen if I would abuse the use of internet. .I will be responsible netizen in some simple ways. Like I will use the internet in a useful way, I will not abuse in researching instead I will researching things that can help me like videos about painting, cooking, drawing, etc.
Internet helps us so do not abuse in using internet. Be a responsible internet user. Always remember be a responsible netizen!
Percy Jackson and the Lightning thief
Sa taas ng Empure State Building ay nagtagpo sina Zeus at si Poseidon, kung saan iinagtapat ni Zeus na may nagnakaw ng kanyang "Lightning Bolt" at ang kanyang pinahihinalaan ay ang anak ni Poseidon na si Percy Jackson. Si Percy ay labing pitong gulang na at hindi tulad ng ibang kabataan si Percy Ay may taglay na kapangyarihan. Kaya niyang tumagal sa ilalim ng tubig at makabasa ng mga salita kahit ang mga ito ay nakapabalibaliktad. Habang nasa lakay aral sina Percy ay sinalakay si Percy ni Fury at hinihingi kay Percy ang lighting bolt. Pero hindi naman alan ni Percy ang tungkol sa sinasabi na Fury tungkol sa lightning bolt. Mabuti na lamang at nandoon ang kanyang matalik na kaibigan na si Grover Undrwood at ang kanilang guro na si Mr. Brunner upang siya ay iligtas. Nang malaman nila ang tunay na dahilan ni Fury sa pagsalakay kay Percy ay agad silang umalis kasama ang nanay ni Percy na si Sally at nagtungo sila sa Camp Half-Blood ngunit iniwan nila ang naging asawa ni Sally na si Gabe Ugliano. Habang sila ay naglalakbay ay inatake sila nag isang minotaure. Pinatay nito si Sally dahil hindi siya sa loob ng kampo. Dahil sa galit sa ginawa sa kanyang ina ay pinatay ni Percy ang minitaure gamit ang sungkay nito.
Si Percy ay nagising at noon ay nalaman niya na siya ay anak na Poseidon. Si Grover naman ay ang tunay na satyr at kanyang protektor at si Mr. Brunner nan\man ay ang chinor. Si Chinor ang nagpayo kay Percy na magtungo sa Mt. Olympus at kombinsihin si Zeus na hindi siya ang kumuha at ang nagnakaw ng lightning bolt ni Zeus. Nagsimula na si Percy sa pageensayo ng kanyang kapangyarihan. Nakilala niya si Annabeth na anak naman ni Athena na noong una ay kanyang naging katunggali ngunit sa huli ay naging kaibigan din niya ito. Habang nagkakaroon sila ng kasiyahan ay nagpakita si Fury at hinahanap si Percy. Sinabi nito na lumabas si Percy at ibibugay niya ni Sally, ang nanay ni Percy. Nagpakita si Percy at hiniling na ibigay na sa kanya ang kanyang ina. Ngunit ang gusto ni Fury ay ibigay muna ni Percy ang ligthning bolt sa kanyang bago ibigay ang ina.
Nagdesisyon si Percy na magtango sa Underworld, kasama niya sina Grover at Annabeth. Pinuntahan sila ni Luke at ibinigay nito ang mapa na magtuturo sa kanila upang makuha ang tatlo mahiwagang perlas. Ibinigay din niya ang kanyang shield Percy upang makatulong sa pakikipaglaban. Ang unang perlas ay na kay Medusa, hindi dapat tumingi sa mga mata ni Medusa kung hindi ay magiging bato sila. Dahil sa kanilang pagtutulungan ay natalo nila si Medusa at nakuha ang perlas.
Ang pangalawang perlas ay nasa mga kamay ni Parthenon na nasa silid ni Hydra. Ginamit nila ang sapatos ni Percy upang makuha ang perlas. Muli ay nagtagumpay ang tatlo. Isa lamang ang kailangan nilang perlas na makukuha sa Lotus Casino sa Las Vegas. Doon pinapakain ang tatlo ng lotus flower ngunit kung kainin nila ito ay makakailutan nila ang kanilang alaala. Nagtagumpay muli ang tatlo sa pagkuha ang huling perlas. At matapos ay nagtungo na sila sa Hollywood kung saan nadoon ang Underworld. Naalaman nila na gusto ni luke na sirain ang Mt. Olympus at hindi nila ito pinayagan. Nalaman na ni Zeus ang lahat at nag-usap sina Poseidon at Percy. Natapos na ang lahat na kaguluhan, kayat nagpatuloy na muli ann tatlong magkakaibigan sa kanilang pag-eensayo sa kampo at namuhay na mapayapa.

Wednesday, February 2, 2011
III-Science getting MATURE!
Ngayon marami kaming naranasang pagsubok na talagang sumubok sa aming katatagan. Pero ang isa’t isa ang naging sandalan upang maging matatagtag na harapin ang lahat. Kaya na rin naming panindigan ang mga nagiging desisyon namin at matapang na hinaharap ang mga magiging resulta ng mga bagay na ginawa naming.
Ang III-Science, isang samahan na nabuo dahil sa mga kasiyahan, kalukuhan at kalungkutan. Pero lagging nangingibabaw sa amin ang positibong damdamin na lagi kaming magtatagumpay dahil alam naming na nandyan ang bawat isa para sa lahat. Alam rin naming maaaring hindi magtagal ang aming samahan dahil may posibilitad na may matanggal sa amin. Ngunit hindi iyon hadlang upang maulot ang samahan na aming nasimulan.
Kahit minsan ay seryoso kami , minsan lang yun . Kung alam yun lang kung gaano kami kagulo, kaingay at kapapasaway. Hilig naming ang kumanta, sumayaw, magkwentuhan at agn bagong libangan ngayon ay ang "paltok bola". Iisip ninyo para kaming mga bata, pero yun ang totoo mga bata pa nga kami. Ngunit kakakitaan mo na ng pagbabago.
Ayan ang section namin hindi mo masasabing seryoso pero mababait. “One typical section which my heart belong.” III-SCIENCE!
Teenage Love
Teenage love?! Usong-uso ngayon ang tinatawag na teenage love o yung mga batang pag-ibig pwede ring sabihing "pyppy love". Ito yung mga pg-ibig na nararanasan ng maraming kabataan ngayon. Mas masarap ngang umibig lalo na't mahal ka rin ng taong mahal mo. Pero paano kung hindi ka mahal ng mahal mo? Dapat ka na lang bang sumuko at baliwalain ang pag-ibig para sa kanya. Depende yan sa sitwasyon, kung ang taong mahal mo ay may commitment nasa ibang tao, mas mabuti na pigilan mo nalang ang nararamdaman mo para sa kanya at hayaan mo na siyang maging masaya sa taong talagang mahal niya. Dahil malay mo may ibang tao ang talagang nakalaan para sayo. Pero kung ang taong mahal mo ay mahal ka rin pero hindi pa kayo handa, huwag inyong madaliin ang inyong pag-ibig mas mabuti na kilalanin inyo muna ang isat isa. At kung kayo talaga kahit anong mangyari kayo parin ang magkakatuluyan hanggang sa huli.
May mga teenage love din naman na naiipit sa sitwasyon. Tulad ng pinipilit ka ng boyfriend mo na gumawa ng nga bagay na alam mo na hindi makakabuti sa inyong dalawa. Pero kung hindi mo yun gagawin ay nakikipagbreak siya sayo. Payo ko sa mga taong ganyan ang kalagayan wag kayong matakot naiwanan siya. Dahil ang mga taong ganun ay handi talaga kayo mahal dahil hindi nila kayo kayang irespeto.
Iba't iba ang nararanasan ng mga kabataan ngayon pagdating sa pag-ibig. Ngunit ang mahalaga ay ang lagi nating pakinggan ang ating mga magulang. Dahil sila ang mas nakakaalam ng tama o mali. Dapat nating gamitin ang ating utak kaysa sa ating puso at wag magpadala sa ating mga damdamin. Tayo ay mga bata pa, mas mabuti na lasapin muna natin ang sarap ng ating kabataan.
Subscribe to:
Posts (Atom)