Wednesday, February 9, 2011

Percy Jackson and the Lightning thief

    Sa taas ng Empure State Building ay nagtagpo sina Zeus at si Poseidon, kung saan iinagtapat ni Zeus na may nagnakaw ng kanyang "Lightning Bolt" at ang kanyang pinahihinalaan ay ang anak ni Poseidon na si Percy Jackson. Si Percy ay  labing pitong gulang na at hindi tulad ng ibang kabataan si Percy Ay may taglay na kapangyarihan. Kaya niyang tumagal sa ilalim ng tubig at makabasa ng mga salita kahit ang mga ito ay nakapabalibaliktad. Habang nasa lakay aral sina Percy ay sinalakay si Percy ni Fury at hinihingi kay Percy ang lighting bolt. Pero hindi naman alan ni Percy ang tungkol sa sinasabi na Fury tungkol sa lightning bolt. Mabuti na lamang at nandoon ang kanyang matalik na kaibigan na si Grover Undrwood at ang kanilang guro na si Mr. Brunner upang siya ay iligtas. Nang malaman nila ang tunay na dahilan ni Fury sa pagsalakay kay Percy ay agad silang umalis kasama ang nanay ni Percy na si Sally at nagtungo sila sa Camp Half-Blood ngunit iniwan nila ang naging asawa ni Sally na si Gabe Ugliano. Habang sila ay naglalakbay ay inatake sila nag isang minotaure. Pinatay nito si Sally dahil hindi siya sa loob ng kampo. Dahil sa galit sa ginawa sa kanyang ina ay pinatay ni Percy ang minitaure gamit ang sungkay nito.

    Si Percy ay nagising at noon ay nalaman niya na siya ay anak na Poseidon. Si Grover naman ay ang tunay na satyr at kanyang protektor at si Mr. Brunner nan\man ay ang chinor. Si Chinor ang nagpayo kay Percy na magtungo sa Mt. Olympus at kombinsihin si Zeus na hindi siya ang kumuha at ang nagnakaw ng lightning bolt ni Zeus. Nagsimula na si Percy sa pageensayo ng kanyang kapangyarihan. Nakilala niya si Annabeth na anak naman ni Athena na noong una ay kanyang naging katunggali ngunit sa huli ay naging kaibigan din niya ito. Habang nagkakaroon sila ng kasiyahan ay nagpakita si Fury at hinahanap si Percy. Sinabi nito na lumabas si Percy at ibibugay niya ni Sally, ang nanay ni Percy. Nagpakita si Percy at hiniling na ibigay na sa kanya ang kanyang ina. Ngunit ang gusto ni Fury ay ibigay muna ni Percy ang ligthning bolt sa kanyang bago ibigay ang ina.

    Nagdesisyon si Percy na magtango sa Underworld, kasama niya sina Grover at Annabeth. Pinuntahan sila ni Luke at ibinigay nito ang mapa na magtuturo sa kanila upang makuha ang tatlo mahiwagang perlas. Ibinigay din niya ang kanyang shield Percy upang makatulong sa pakikipaglaban. Ang unang perlas ay na kay Medusa, hindi dapat tumingi sa mga mata ni Medusa kung hindi ay magiging bato sila. Dahil sa kanilang pagtutulungan ay natalo nila si Medusa at nakuha ang perlas.

    Ang pangalawang perlas ay nasa mga kamay ni Parthenon na nasa silid ni Hydra. Ginamit nila ang sapatos ni Percy upang makuha ang perlas. Muli ay nagtagumpay ang tatlo. Isa lamang ang kailangan nilang perlas na makukuha sa Lotus Casino sa Las Vegas. Doon pinapakain ang tatlo ng lotus flower ngunit kung kainin nila ito ay makakailutan nila ang kanilang alaala. Nagtagumpay muli ang tatlo sa pagkuha ang huling perlas. At matapos ay nagtungo na sila sa Hollywood kung saan nadoon ang Underworld. Naalaman nila na gusto ni luke na sirain ang Mt. Olympus at hindi nila ito pinayagan. Nalaman na ni Zeus ang lahat at nag-usap sina Poseidon at Percy. Natapos na ang lahat na kaguluhan, kayat nagpatuloy na muli ann tatlong magkakaibigan sa kanilang pag-eensayo sa kampo at namuhay na mapayapa.

No comments:

Post a Comment