Saturday, February 26, 2011

Ang aking Talambuhay

Travels: Found My Real Home

    Ako si Joanna Mae Gonzales Atienza. Ipinanganak noong Setyembre 8, 1995 sa Commonwealth of Northern Marianas Island, Saipan. Ang aking mga magulang ay sina Juan Aguilar Atienza Jr. at Edna Gonzales Atienza. Ang aking daddy ay isang dating OFW sa Dammam Saudi Arabia, ngunit ngayon siya ay isang tricycle driver at konsehal sa aming barangay. Ang aking mama naman ay dati ding OFW sa Saudi at ang kanyang kasalukuyang trabaho ay ang pagiging mananahi. Kami ay dalawa lamang na magkapatid at ako ang panganay. Ang pangalan ng kapatid ko ay Jan Christian Atienza, tatlong taong gulang. Malaki man ang agwat ng aming ngunit magkagayun pa man ay malapit parin kami sa isa't isa.

    Hindi ako lumaki sa aking mga magulang. Ang nag-alaga sa akin ay ang aking tita at tito, kaya ang tawag ko sa kanila ay inay at itay. Hindi man gusto ng aking mga magulang na ipaalaga ako sa iba, pero kailangan lang talaga dahil pareho silang nagtatrabaho sa Manila. Naging malapit ang loob ko kina inay at itay. Kung ituring nila ako ay parang isang tunay na anak. Naging malapit rin ako sa pinsan ko na malapit lang doon ang bahay. Si itay ay sobrang malapit ang loob sa akin. Lagi kaming magkasama at sa tuwing umiiyak ako alam na alam niya kung ano ang gagawin. Dadalhin niya ako sa Jollibee at ibibili ako ng mga laruan. Si inay naman ang laging nagpapatulog sa akin tuwing gabi, dahil mahirap akong makatulog dati. Lagi niya akong pinaiinom ng gatas para makatulog ako agad.

    Ngunit nang dumating na ang araw na kailangan na akong kunin ng aking mga magulang. Ang bahay na dati ay puno ng kasiyahan at tawanan ay bilang nabalot ng kalungkutan. Kahit bata pa ako noon, alam ko na masakit para kina inay at itay na mawala ako sa kanila. At mahirap din naman para kina mama at daddy na kunin ako sa mga taong nagpalaki at napalapit na sa loob ko. Pero kahit na mawalay man ako sa kanila , lagi kong dadalhin ang masasayang alaala na kasama sila at ang pagmamahal nila sa akin.

    Nang sunduin ako nila mama at daddy kina inay at itay, hindi ko alam kung saan kami pupunta noon. Sobrang lungkot ko pa noon dahil sa biglaang pagkuha nila sa akin. Pupunta pala kami sa Iloilorara doon tumira. Noong una nahirapan talaga akong makibagay sa mga tao doon, syempre unang-una hindi naman ako doon lumaki at hindi ako sanay doon. Una kaming tumira sa bahay ng lolo at lola ko. Nagtayo ng isang maliit negosyo ang mga magulang ko, ang negosyo nila ay ang pagtitindi ng mga dry goods. at nung lumaki na ang negosyo namin nagtayo naman sila ng isang Foodstand. Nakabili rin kami ng sarili naming motor. Ang Foodstand namin ay pinangalanang " Pizza Mae". Naging maunlad ang negosyo ng pamilya namin, kayat nag pagawa na kami ng sariling bahay.

    Doon na rin ako nag-aral sa Iloilo. Doon ako nagkinder hanggang Grade II. Nag-aral ako sa isang private adventist school ang pangalan ng school na pinasukan ko ay Lagasca Memorial Seventh Day Adventist School. Marami akong mga naging kaibigan doon at doon ko rin nakilala ang mga naging matatalik kong kaibigan. Sila ay sina Denpearl, Vanessa at Nerissa. Marami kaming mga bagay na ginagawa pag kami ay magkakasamang apat. Lagi kaming naglalaro. nagseshare ng baon at nagkukwentuhan. Nagsasabihan din kami ng mga secrets namin. Naalala ko pa nga nung malaman ni Denpearl na crush ko yung pinsan nya. Wala atang araw na hindi niya ako niloloko sa pinsan nya. Naging close din kami nung crush ko, siya nga pala si Rexandro, pero ang tawag ko sa kanya ay "Pipoy". Lagi din kaming magkapartner sa mga programs, tulad ng sayaw, sa mga role play at lagi ko rin siyang escort. Mas naging close kami sa isa't isa. Sobrang saya ko nga noong 7th birthday ko kasi nandoon sya kahit na may lagnat pa siya noon at special pa yung gift nya sa akin ( secret ko nalang kung ano yun! ). Ang mga naging kaibigan ko noon ay isa lamang sa mga taong talaga pinahahalagahan at itinetreasure ko nang sobra.

    Hindi lang good friends ang mga achieve ko habang nag-aaral ko. Maganda rin ang performance ko sa pag-aaral, consistent honor student ako. Noong graduation ko nung kinder, ako ang first honor at every recognition ako din ang first honor at nakakatanggap din ako ng mga special awards. May isa akong achievement na talagang hinding-hindi ko makakalimutan. Noong kumuha kami nang Achievement Test para sa buong Iloilo, ako ang nakakuha ng pinakamataas na grade, 95% ako sa over all. Sobrang proud sa akin ang parents ko, teachers at ang mga schoolmates ko. At hindi lang ako hanggang sa academic, noong bata pa  ako sumasali na ako sa mga beauty contest. Hindi naman ako umuuwing luhaan, may sinalihan ako na ako ang panalo. Ang saya nun kasi yun ang first time ko na sumali sa isang beauty contest. Doon nga sa Question and Answer Portion inaway ko pa yung nagtatanong ang kulit kasi! Marami akong na achieve na bagay bata pa lang ako. Kaya maaga ko ring matutunan kung paano pahalagahan ang mga awards at karangalan.

   Muli naranasan ko ang mag-iwan ng mga taong napalapit na sa akin. Dito ko mas higit na naunawan ang sakit na pakiramdam nang mag-iwan na hindi mo gusto. Sobrang sakit pala na magpaalam sa mga mahal mong kaibigan, sa mga taong sobrang halaga sayo at sa mga taong higit na sa kaibigan ang turing mo. Alam ko noon na mamimiss ko ang lahat ng mga alaala ko sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan na ako lumaki at ang lugar na naranasan ko ang maraming mga bagay. Bukod sa mga tao doon isa sa pinakamamimiss ko ay yung lugar na paborir\to kong puntahan, ang dagat. Dumating na nga ang araw nang aking paglisan . Ang araw na niminsan hindi ko hinintay. Hindi ko magawang bumitiw sa mahigpit na pagkakahakaw ng mga kaibigan ko sa aking mga kamay. Damang-dama ko na ayaw nila akong umalis at sila ay aking iwan. Nang ako ay kanilang bitiwan nilapitan ko ang isang taong mahalaga sa akin na nakaupo sa isang tabi. Hinawakan niya ang kamay ko at sinabi, "Masaya ako na nakilala kita, mahalaga ka sa akin, hihintayin ko ang muli mong pagbabalik". Tanging luha ko na lang ang naisagot ko sa kanyang mga sinabi. At tuluyan na akong umalis na may mga luha sa mata.

   Bago na naman lugar, bagong mga tao at bagong pakikisama. Dito na yun. Dito sa San Joaquin, San Pablo City. Noong unang araw ko sa San Joaquin wala man lamang akong kakilala, kaibigan, natatakot akong lumabas dahil wala namang papansin sa akin, wala akong makalaro at feeling ko out of place ako dun. Lagi lang akong nakasilip sa bintana at pinanunuod ang mga bata masasayang naglalaro at ako ay inggit na inggit sa kanila. Nagulat nga ako eh kasi bigla akong niyaya ng mga bata na makipaglaro sa kanila. Tapos sabi ng tita ko mga pinsan ko daw yung mga yun. Sila na ang mga naging kaibigan ko at bestcousins ko. Sila ay sina Ate Kathy, Ate Arleen at Ate Karen. Ako ang pinakabata sa aming apat. Simula noon lagi na kaming magkakasama, magkakalaro at magkakakwentuhan. Sila na ang mga bago kong kaibigan, pero syempre hindi ko parin makakalimutan ang mga kaibigan ko sa Iloilo.

FIRST DAY OF SCHOOL!!! ALL NEW!!!

   New school, new teachers and new schoolmates. Maraming bago, pero hindi ko alam kung yung mga bagong yun magugustuhan ako. Isang bagong estudyante na ngayon lang nila nakita. Nang itapak ko ang mga paa ko sa classroom sobrang kaba ko noon. Umupo ako sa isang tabi, walang pumapansin, walang kumakausap at walang kakilala. At hanggang may isang batang babae ang kumausap at nagtanong ng pangalan ko, siya ay si Krizshelle. Mabait siya, maganda at matalino. Siya ang una kong naging kaibigan noon, ipinakilala din niya ako sa mga kaibigan niya. Dumating at pumasok ang adviser namin,tumahimik ang lahat, sabi nila bago daw yung teacher namin. Iba ang tjinding, ibang mukha, ibang guro. Hindi lang pala ako ang bago pati na rin ang adviser namin ay bago din.

ELEMENTARY DAYS!!!!!

   Sabi ng maraming tao dapat da e-enjoy na namin ang elementary days namin, kaya yun ang ginawa ko. Masaya ang mga experiences ko noong elementary. Noong elementary rin ako natutong tumaggap nag pagkatalo. Sa masasayang experiences ko ay kapag may role playing kami, ang pinakapaborito ko nga ay yung Cinderella. Dahil ako ang gumanap na Cinderella noon. Sobrang saya nun, kahit laging pagod.
 Contests!!!!
   Dito talagang pumasok ang totoong kompetisyon. Ang unang beses na lumaban ako noong GradeIII, Science Quiz Bee. That was the first time na natalo ako. Sobrang lungkot ko noon, sabi ko hinding-hindi na ako lalaban sa mga contest. Pero na bago yun nang muli akong pinalaban sa English Quiz Bee, District Level yun. Ako ang nanalo, yun ang dahilan kung bakit bumalik ulit ang tiwala ko sa sarili ko. Narealize ko na hindi sa lahat ng pagkakataon ikaw ay talo o panalo. Ang mahalaga dapat marunong kang tumanggap ng magiging resulta nito.

   Noong elementary din ako umalis ulit ang parents ko. Nang punta sila sa abroad para doon magtrabaho. Alam ko naman na para sa akin din yun pero kung ako lang ang papipiliin mas gusto ko na dito lang sila. Naiwan ako sa pangangalaga na tito at tita ko. Naging mabait naman sila sa akin at hindi nila ako pinapabayaan. Maging mas malapit ako sa mga pinsan ko at unti-unti ko ng natatanggap na wala ang mga magulang ko. Pero may mga araw na talgang namimiss ko sila, kapag birthday ko, pasko at bagong taon naaalala ko sila. Pagkalipas ng dalawang taon, dumating narin sila mama at daddy, sobrang saya ko noon dahil dumating na sila. Tapos sinabi sa akin ni daddy na magkakaroon na ako ng kapatid, noong una hindi ko yun matannggap. Pero nung ipinanganak na si Jan-jan nakita ko kung gaano kasaya ang mga magulang ko. Alam ko na magiging masaya ang pamilya namin sa pagdating ng isang anghel.

IT'S MY GRADUATION DAY!!!!!

Yes, gagraduate na ako ng elemtary. Ang saya-saya ko dahil magtatapos na ako. Ako ang class valedictorian sobrang proud sa akin ang mga magulang ko sa achievement kong yun. Pero sa likod ng kasiyahan ay may kalungkutan parin kasi magkakahiwa-hiwalay na kami. Dahil iba-iba naman kami nagpapasukan school sa high school eh. Ngunit hindi yun hadlang upang maputol ang aming pagkakaibigan. Sabi sa Valedictiry address ko " When you graduated in elementary, it is not the end, but it is just the being of a new journey".

FIRST DAY HIGH!!!( High School Life sa Dizon )

   It's my first day for being high school student. HIndi ko inaasahang ang daming tao, naghahanap ng kanilang mga pangalan kung saang section sila at may humahabol pa para magpa-enroll. At ito rin ang first time ko na maranasan na kumuha ng test sa unang araw sa school. Kumuha kami ng test para maging Science section. Sabi ko sa sarili ko hndi ako papasa dun. Hanggang kinabukasan..............tinawag ang pangalan ko, isa ako sa mga nakapasa sa test at magiging Science ako. Pero may takot ako kung paano ako makikisama sa mga taong alam ko lahat matatalino.

" SCIENCE" ( our section, my section )

    Maraming mga bagay na nangyari sa simula noong pasukan. Maraming  mga bagay nasumubok sa aming katatagan at doon ko na kilala ang mga tunay kong kaibigan. Ang mga kaibigan ko na laging nandyan para sa akin, suportahan ko at gabayan palagi. Lahat naman ng mga kaklase ko ay kaibigan ko pero sila ang bukod tangi sa lahat. Sila ay sina Marian, Sam, Lykka, Ethel, Kim. Khryss at Justine. Sila talaga yun, ang may alam kung sino talaga ako. Pero syempre hindi masaya kung kami-kami lang diba kaya dapat buong science. Kaya lagi kaming may mga happy moments together. Ngayon nasa gitna pa lamang ako ng aking talambuhay. Pero masasabi ko na sa hinaba-haba ng paglalakbay ko dito lang pala ako dadalhin sa isang maliit na classroom sa Dizon High, ang III- Science. Which my heart really belong. Sa ngayon dito na muna magtatapos ang mahaba kong paglalakbay!!!!



THE END

No comments:

Post a Comment