Teenage love?! Usong-uso ngayon ang tinatawag na teenage love o yung mga batang pag-ibig pwede ring sabihing "pyppy love". Ito yung mga pg-ibig na nararanasan ng maraming kabataan ngayon. Mas masarap ngang umibig lalo na't mahal ka rin ng taong mahal mo. Pero paano kung hindi ka mahal ng mahal mo? Dapat ka na lang bang sumuko at baliwalain ang pag-ibig para sa kanya. Depende yan sa sitwasyon, kung ang taong mahal mo ay may commitment nasa ibang tao, mas mabuti na pigilan mo nalang ang nararamdaman mo para sa kanya at hayaan mo na siyang maging masaya sa taong talagang mahal niya. Dahil malay mo may ibang tao ang talagang nakalaan para sayo. Pero kung ang taong mahal mo ay mahal ka rin pero hindi pa kayo handa, huwag inyong madaliin ang inyong pag-ibig mas mabuti na kilalanin inyo muna ang isat isa. At kung kayo talaga kahit anong mangyari kayo parin ang magkakatuluyan hanggang sa huli.
May mga teenage love din naman na naiipit sa sitwasyon. Tulad ng pinipilit ka ng boyfriend mo na gumawa ng nga bagay na alam mo na hindi makakabuti sa inyong dalawa. Pero kung hindi mo yun gagawin ay nakikipagbreak siya sayo. Payo ko sa mga taong ganyan ang kalagayan wag kayong matakot naiwanan siya. Dahil ang mga taong ganun ay handi talaga kayo mahal dahil hindi nila kayo kayang irespeto.
Iba't iba ang nararanasan ng mga kabataan ngayon pagdating sa pag-ibig. Ngunit ang mahalaga ay ang lagi nating pakinggan ang ating mga magulang. Dahil sila ang mas nakakaalam ng tama o mali. Dapat nating gamitin ang ating utak kaysa sa ating puso at wag magpadala sa ating mga damdamin. Tayo ay mga bata pa, mas mabuti na lasapin muna natin ang sarap ng ating kabataan.
No comments:
Post a Comment